Sheryl, Tina, Manilyn (Tess Antonio, Ien Galliguez, Jennifer Illustre)
Maliban sa pagiging mga impersonators nina Sheryl Cruz, Tina Paner at Manilyn Reynes, obsessed na obsessed rin ang tatlong Chenelyn na ito kay Super Islaw. Isinumpa nila si Inday bilang pagganti sa feeling nila’y “pang-aagaw” nito kay Islaw sa kanila. Galing sa kanilang malalaking diamond rings ang kanilang mga kapangyarihan.